^

Probinsiya

NFA namahagi ng bigas sa Region10

-
Sako-sakong bigas ang ipinamahagi ng National Food Authority (NFA) sa mga naapektuhan ng bagyong Nanang sa Region 10.

Kaugnay nito, inatasan ni NFA Administrator Tony Abad ang mga tauhan sa Visayas at Northern Mindanao na naapektuhan ng bagyo na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tingnan kung gaano pa kalaki ang pangangailangan sa pagkaing bigas ng mga nabiktima ni Nanang.

Partikular na nabiyayaan ng libreng bigas ang mga residente sa Camiguin island na dumanas ng flashflood dulot ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito, nagbuo ng isang disaster – preparedness program ang NFA kasama ang DSWD, LGUs at Philippine National Red Cross (PNRC) para ayudahan ang mga napinsala ng bagyo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ADMINISTRATOR TONY ABAD

ANGIE

CAMIGUIN

CRUZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KAUGNAY

NANANG

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NORTHERN MINDANAO

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with