Canadian national pinapatubos ng P 5-M ng ASG
November 10, 2001 | 12:00am
Isang Canadian national na may pitong araw nang dinukot umano ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga bandidong Abu Sayyaf ay humihingi ng P5M ransom kapalit ng kalayaan nito sa Hagonoy, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Crame, kamakalawa lamang nabatid ang pagdukot sa biktimang kinilalang si Pierre Belanger, Canadian national na may asawang Filipina, residente ng Lower Balutakay sa bayan ng Hagonoy matapos na tumawag ang mga kidnappers sa kaibigan nito at humingi ng ransom.
Napag-alaman na noon pa umanong nakaraang Nobyembre 3 misteryosong nawawala ang biktima matapos na hindi na ito makauwi sa kanilang tahanan.
Nakatanggap umano ng tawag sa telepono ang kaibigan ng biktima na si Boy Niebres ng Digos City kung saan isang lalaki na umanoy nagpakilalang miyembro ng ASG at kailangan umano nila ng P5 milyon ransom money kapalit ng kalayaan ni Belanger.
Inatasan din umano ng lalaki si Niebres na iparating ang impormasyon sa kapatid ng biktima na si Richard Belanger na isang professor sa Cor Jesus College sa Digos City at residente ng nasabing probinsiya.
Sa panig naman ng militar, sinabi ni AFP Southcom Chief Lt. General Roy Cimatu na hindi pa kumpirmado kung ASG nga ang mga abductors ng banyaga o isa lamang lokal na kidnap for ransom gang sa naturang lugar.
Gayunman, ayon kay Cimatu ay patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung anong grupo ang kumidnap sa biktima. Patuloy rin ang isinasagawang search and rescue operations upang mailigtas ang dayuhang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest