^

Probinsiya

Rapist-killer ng mga GRO, nasakote

-
MALOLOS,Bulacan – Isang lalaki na pinaniniwalaang rapist-killer na nakapambiktima na ng dalawang GRO sa loob ng silid ng dalawang magkaibang hotel sa bayang ito ang naaresto kamakalawa ng gabi habang umiinom ng alak sa isang beerhouse sa McArthur Highway sa Brgy. Guinhawa at may ka-teybol na babae na umano ay balak din nitong biktimahin.

Sa ulat na ipinalabas ni P/Supt. Salvador Santos,hepe ng pulisya sa nabanggit na bayan, ang inarestong suspek na si Eddie Prinela,36,may-asawa, tubong Sorsogon, Sorsogon at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Lagundi, Plaridel ay positibong kinilala ng mga empleyado ng dalawang hotel na pinagdalhan nito sa dalawang GRO na kanyang naging biktima.

Ayon sa pulisya, si Prinela ang umano ay responsable sa naganap na panggagahasa at bigong pagpatay sa biktima na itinago sa pangalang Marylyn, 17, dalaga noong nakalipas na buwan, na iniwang nag-aagaw buhay sa isang silid ng Flying A Hotel makaraang sakalin ng alambre sa leeg.

Gayundin ang nangyaring panggagahasa at pagpatay sa isang nakilalang Nancy Teodoro, 30, na pinatay din sa sakal ng alambre sa loob ng isang silid ng Barasoain Hotel dalawang linggo na ang nakakaraan.

Ang suspek ay nadakip dakong alas-10 ng gabi sa Flor-Rey Restaurant and Sing-along sa nasabing lugar matapos na ito ay mamukhaan ng may-ari ng nasabing establisyimento na may pagkakahawig sa mga carthographic sketches na ipinalabas ng pulisya na nagresulta sa pagkaaresto at pagkakalutas ng nasabing kaso. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BARASOAIN HOTEL

BRGY

EDDIE PRINELA

EFREN ALCANTARA

FLOR-REY RESTAURANT AND SING

FLYING A HOTEL

NANCY TEODORO

SALVADOR SANTOS

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with