Batay sa 14 na pahinang desisyon ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos RTC Branch 15 na ang akusadong si Armando Padilla ng Marilao, Bulacan ay walang pagdududang nagkasala ng panghahalay sa kanyang anak na itinago sa pangalang Catherine ng maraming ulit sa pagitan ng 1994 hanggang 1995.
Batay sa rekord ng korte, hindi agad nakapagsumbong ang biktima sa mga awtoridad dahil sa banta ng ama na susunugin ang kanilang bahay at may mangyayaring masama sa kanya at sa mga kapatid.
Hanggang dumating ang sandali na hindi na nito makayanan ang kahayupan ng ama kung kaya naglakas-loob itong magsumbong sa tiyahin na naging daan para maaresto ito ng mga awtoridad.
Ang lahat ng akusasyon ng biktima ay pinabulaanan ng akusado at sinabing matigas ang ulo ng kanyang anak na laging naglalayas ng bahay at imbento lamang ng kanyang hipag ang nasabing mga paratang na gusto lamang nitong makaparte sa ipinapadalang pera ng kanyang asawang nasa abroad.
Ibinasura naman ng korte ang katwiran ng akusado,dahil hindi puwedeng maglubid ng mga salita ang biktima para lamang paratangan ang kanyang sariling ama na alam nito ang magiging kaparusahan.
Pinagbabayad ang akusado ng halagang P150,000 para sa pinsalang tinamo ng biktima bukod pa sa mga nagastos habang dinidinig ang usapin. (Ulat ni Efren Alcantara)