Motorsiklo bumangga sa truck; 2 patay, 3 sugatan
November 8, 2001 | 12:00am
GUIMBA, Nueva Ecija Dalawang municipal employee ang namatay habang tatlo ang malubhang nasugatan makaraang bumangga ang isang motorsiklo sa isang 6-wheeler truck sa kahabaan ng provincial road, barangay Lennec, kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pang buhay sa Guimba District Hospital ang mga nasawing sina Joselito Padilla, 39, may-asawa ng barangay Bantug; at Sherly Sacatani, nasa hustong edad ng barangay Maturanoc; at kapwa kawani ng Guimba Municipal Hall.
Samantala, ang mga nasugatan, na isunugod din sa nasabing pagamutan ay nakilalang sina Esteban Villaca, 38, driver ng truck, may-asawa ng Casiono, Rosales, Pangasinan; Julie Maling at Jose Ponaper, kapwa pasahero at residente ng Samon, Sta. Maria, Pangasinan.
Pagliko ng motorsiklo ay hindi nito alintana ang kasalubong na truck.
Dahil sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon ang dalawang biktima sa motorsiklo na ikinasawi ng mga ito . (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am