^

Probinsiya

2 pekeng pulis timbog sa pangongotong

-
KAMPO. HEN ALEJO SANTOS, Bulacan – Dalawang miyembro ng sindikato ng carnapping na nagpakilalang mga tunay na pulis ang nasakote ng mga tauhan ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgar Acuña makaraang maaktuhang nangongotong sa mga motoristang dumaraan sa kahabaan ng Gov. F. Halili Avenue, Brgy. Poblacion, Sta. Maria kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Danilo Garcia, 27, ng Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan at Calixto Antonio, 23, binata, bayaw ni Garcia at residente rin ng naturang lugar.

Nakumpiskahan ang mga suspek ng isang toy gun na ginagamit sa pangongotong sa mga nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon sa ulat ng pulisya, naninita ang mga suspek sa mga nagmamaneho ng motorsiklo at kapag walang maipakitang dokumento ay kinukuha ang sasakyan at pinapupunta ang mga nabiktima sa himpilan ng pulisya upang doon kunin.

Subalit pagdating sa himpilan ng pulisya ng mga nabiktima ay nawawala na ang mga suspek.

Bunsod ng dumaraming reklamo sa himpilan ng pulisya tungkol sa mga ninakaw na motorsiklo ng dalawang suspek ay nagsagawa ng operasyon ang Bulacan PNP sa nabanggit na barangay at naaktuhan naman ang mga ito. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BRGY

BULACAN

CALIXTO ANTONIO

DANILO GARCIA

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

HALILI AVENUE

PROVINCIAL DIRECTOR P

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with