^

Probinsiya

Trader patay sa holdap, P 7-M tinangay

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang mayamang negosyante ang iniulat na napatay at pinagnakawan pa ng halagang P7 milyon makaraang makipagbarilan sa apat na holdaper ang biktima sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Palamas, Lemery, Batangas kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Polymedic Hospital sa Taal, Batangas ang biktimang si Celso Aquino, alyas Tito, 58, ng nabanggit na barangay.

Mabilis namang tumakas ang mga holdaper sakay ng kotseng Lancer na may plakang THE-651 sa hindi nabatid na direksyon.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nag-withdraw ng malaking halaga sa Phil. National Bank ang biktima upang ipasuweldo sa kanyang mga trabahador.

Bandang alas-5 ng hapon nang bumaba ng sasakyan ang biktima sa harapan ng sariling bahay subalit sinalubong ito ng mga holdaper kaya napilitang magbunot ng baril at nakipagbarilan.

May teorya ang pulisya na namataan ang biktima ng mga holdaper kaya sinundan hanggang sa kanilang bahay at doon isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BANDANG

BATANGAS

BRGY

CELSO AQUINO

ED AMOROSO

ISANG

LEMERY

MABILIS

NATIONAL BANK

POLYMEDIC HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with