Ito ang kinumpirma kahapon ni Task Force Giuseppi Commander Brig. Gen. Angel Atutubo sa isang phone interview.
Gayunman, ayon kay Atutubo, dalawa sa anim na napatay ay nakilalang sina Wahid Walil at Safari Canda samantalang ang apat ay patuloy pa ring bineberipika ang mga pangalan kung saan ang bangkay umano ng mga ito ay nasa munisipyo ng Ipil sa nasabing lalawigan.
Batay sa sketchy report na nakalap ni Atutubo, naganap ang encounter dakong alas-3:30 ng madaling-araw malapit sa boundary ng Ipil at Naga sa nasabing lalawigan.
"Mga tauhan sila ni Akiddin Abdusalam alyas Commander Kiddie, yan ang natanggap natin na information," ani Atutubo.
Ang grupo ni Commander Kiddie ang itinuturong responsable sa pagdukot sa Italyanong pari.
Si Kiddie ay matatandaang napaslang matapos na manlaban sa awtoridad nang madakip ilang oras matapos na dukutin ang Italyanong pari noong Oktubre 17 habang nagmimisa sa Sacred Heart of Our Fathers sa bayan ng Dimataling, Zamboanga del Sur. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)