^

Probinsiya

Tsinay trader kinidnap ng 'Pentagon'

-
KIDAPAWAN CITY – Muli na namang nagsagawa ng pagdukot ang grupo ng Pentagon Kidnap-for-Ransom (KFR) sa katauhan ng isang mayamang Tsinay trader sa loob ng palengke ng Brgy. Poblacion, Libungan, North Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na isinumite kay Central Mindanao Police Director P/Chief Supt. Manuel Raval, nakilala ang kinidnap na trader na si Martina Tee Martin na may malaking tindahan ng bigas sa nabanggit na palengke.

Nabatid pa sa ulat ni North Cotabato PNP Director P/Supt. Ruben Abapo, naganap ang pagdukot bandang alas-3:30 ng hapon.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang biktima ay kinaladkad ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan saka isinakay sa isang Toyota Corolla na may plakang NPE-252 na pag-aari ng negosyante.

Namataan naman ng grupo ni SPO2 Wilfredo Sidon ang mga kidnaper at nagkaroon ng may 15 minutong palitan ng putok bago makatakas ang grupo ng Pentagon KFR.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na natagpuan na rin ang sunog na inabandonang sasakyan ng biktima sa Sitio Namangkilan, Brgy. Patindeguen sa bayan ng Midsayap.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, namataan na nakasakay na ang mga kidnaper sa dalawang motorized banca kasama ang biktima patungong Liguasan Marsh, Kabuntalan, Maguindanao na pinalalagay na ibibigay kay Kumander Tahir Alonto ng MILF lost command. (Ulat ni Boyet Jubelag)

BOYET JUBELAG

BRGY

CENTRAL MINDANAO POLICE DIRECTOR P

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

KUMANDER TAHIR ALONTO

LIGUASAN MARSH

MANUEL RAVAL

MARTINA TEE MARTIN

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with