26 anyos patay sa kaibigan

ANTIPOLO CITY – Nagawang patayin sa saksak ng isang lalaki ang sariling kaibigan matapos na laitin ang iniidolong artistang babae sa Brgy. Mayamot kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Hilario de Pedro, ng Unit 4, Pagrai Hills ng nabanggit na barangay, samantalang ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilala lamang sa alyas na Totong.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-10:30 ng gabi makaraang magtalo at laitin ng biktima ang idolong artistang babae na kamukha daw ng sikat na komedyanteng lalaki kapag nakasuot na pambabaeng damit.

Dahil sa panglalait ay nagawang sasaksakin ng suspek ang kanyang sariling kaibigan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments