Napag-alaman sa ulat ni Chief Insp. Gregorio Antonio, hepe ng Bureau of Fire Protection sa lungsod na ito, nagsimulang masunog ang naturang palengke dakong alas-11:45 ng gabi.
Dahil sa mabilis na pakikipagtulugan at responde ng mga miyembro ng pamatay-sunog mula sa Gapan, San Jose City, Quezon, Licab, Cabiao, Sta. Rosa, Muñoz, Talavera Bongabon, San Leonardo at San Isidro ay kaagad naman naapula ang sunog dakong alas-3:30 ng madaling araw.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga tauhan ni Antonio, nagsimula ang apoy sa naiwang sinding kandila sa tindahang pag-aari ng pamilya Pasarda.
Dahil sa pawang mga chlorox, mantika at iba pang kemiko ang laman ng katabing tindahan ay mabilis na kumalat ang apoy sa may 183 stalls at walang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)