^

Probinsiya

1 patay, 2 grabe sa pagsabog ng granada

-
PAGBILAO, Quezon – Nagkalasug-lasog ang katawan at namatay noon din ang isang obrero habang nasa kritikal namang kundisyon ang dalawang iba pa makaraang sumabog ang isang granada sa pinag-iinuman ng mga biktima sa Sitio Iringan, Brgy. Ibabang Palsabangon sa bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP director, kinilala ang biktima na si Loreto Ehada, 32, may-asawa, habang patuloy na ginagamot ngayon sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sanhi ng mga tama ng shrapnel sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sina John Pepito, 37; at Ernesto Tumakin, 46 na kapwa mga residente ng nasabing barangay.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Eladio Mule, officer on case, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay masayang nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ng isa sa mga ito makaraang magpasyang doon na lamang nila sama-samang ipagdiwang ang All Souls’ Day.

Sa gitna ng inuman ay inilabas umano ni Ehada ang isang granada at ipinagyabang sa dalawang kapitbahay, subalit sa pagtayo nito ay nalaglag sa kanyang mga paa ang granada na wala ng pin at sumabog. (Ulat ni Tony Sandoval)

ALL SOULS

ELADIO MULE

ERNESTO TUMAKIN

IBABANG PALSABANGON

JOHN PEPITO

LORETO EHADA

LUCENA CITY

QUEZON

QUEZON MEMORIAL HOSPITAL

ROBERTO ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with