Ang biktima na nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Lory Ruweda, 34, ng Sgt. Sebastian St., Brgy. Mabolo, samantala ang suspek na boluntaryong sumuko sa pulisya ay nakilalang si Jennielinda Majina, 26, ng Blk. 44 Lot 17 Makabud St., Meadwood Subdivision ng naturang lugar.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng madaling araw matapos na maghinala ang biktima na may relasyon ang suspek sa ibang lalaki. (Ulat ni Mading Sarmiento)