Pulis, itinumba ng NPA rebels
November 4, 2001 | 12:00am
MASINLOC, Zambales Isang tauhan ng pulisya na nakabase sa Masinloc police station ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) lost command habang ang biktima ay naglalakad sa Sitio Matalvis, Brgy. Inhobol sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Sr. Insp. Ronald Tabamo, hepe ng pulisya sa bayang ito ang biktima na si SPO2 Alvin Cervantes, 48, ng Sitio Balugo ng nabanggit na barangay.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, si Cervantes ay hinarang ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan at sunod-sunod na pinaputukan dakong alas-12:55 ng hapon at kasalukuyang inaalam ang motibo ng krimen. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended