Ang biktima na nagtamo ng 14 na tama ng bala ng kalibre 9mm sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Harold Villamor ng Brgy. Wawa, Railroad San Pablo City.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Renato Pelobello, naganap ang pananambang dakong alas-4:30 ng hapon habang ang biktima ay nagmamaneho ng owner type jeep (DPK-797) papasok ng compound ng Roadside Inn Hotel.
May teorya ang pulisya na ang motibo ng krimen ay may kinalaman sa droga at love triangle. (Ulat ni Tony Sandoval)