^

Probinsiya

Rich kids ng Davao City huhubaran kapag nadakip sa drag racing

-
DAVAO CITY – Binalaan kahapon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga kabataang tinaguriang ‘rich kids’ na kanyang huhubaran ng damit sa harap ng publiko sa Rizal Park kapag nahuling nagsasagawa ng illegal drag racing sa mga pangunahing kalsada sa nabanggit na lungsod.

"I will strip these rich kids naked at the Rizal Park once I will catch them", ani Duterte.

"Ipinaaalam ko sa publiko kung ano ang kanilang ginagawa sa Davao City dahil sa ilang beses na akong nagpalabas ng babala sa mga ito subalit hindi sila sumusunod.", dagdag pa ni Duterte.

Ayon pa kay Mayor Duterte, nalalagay sa panganib ang buhay ng mga mamamayan sa nabanggit na lungsod dahil sa isinasagawang illegal drag racing.

Paboritong pangunahing lansangan isinasagawa ang illegal drag racing sa Quimpo Boulevard, kahabaan ng Panacan at Toril sa pagitan ng alas-11 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw.

Ibinulgar pa ni Mayor Duterte ang mga apelyido ng mga rich kids na masyadong ma-impluwensya at ito ay kinabibilangan ng Domriquez, Balunos, Mendez, Angliongto, Misa, Estoque, Lopez, Uy King, Fernandez, Co, Te, Juarez, Abella, Baballa, Platos, Montalez at Elizalde.

Idinagdag pa ni Mayor Duterte na pinagsabihan na niya ang mga magulang ng mga rich kids na disiplinahin ang kanilang anak subalit parang mga walang tenga at nagmistulang bingi ang mga ito kaya minabuting ibulgar upang ipaalam sa publiko na wala akong kinikilingan, mahirap man o mayaman.

Ang mga tinaguriang rich kids ay may sari-sariling team na tinawag na Classic, Ground Image at Autocraft at nagkakasundong gumawa ng sarili nilang regulasyon kapag may drag racing sa mga nabanggit na lugar. (Ulat ni Edith Regalado)

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

EDITH REGALADO

GROUND IMAGE

MAYOR DUTERTE

QUIMPO BOULEVARD

RIZAL PARK

UY KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with