3 sekyu todas, P12M tinangay sa highway robbery
November 1, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tatlong security guards na sakay ng Land Bank armored van ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan saka tinangay ang halagang P12 milyon noong nakaraang Martes sa kahabaan ng Aurora Highway, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng pulisya.
Kasalukuyan pang bineperipika ang mga pangalan ng nasawing biktima habang nakaligtas naman sa naganap na ambus si Paul Labastilla na nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan at driver ng nabanggit na armored van.
Sinabi ni Armed Forces Southern Command deputy chief for operation Marine Col. Francisco Gudani, naganap ang pananambang dakong alas-4 ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Tugaya bayan ng Aurora.
Ayon sa ulat ng pulisya, binabagtas ng armored van (SET-286) ang kahabaan ng naturang lugar mula Cagayan de Oro patungong Pagadian City nang harangin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.
Sunud-sunod na putok ang isinalubong sa mga biktima kaya hindi na nakuha pang gumanti.
Base sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, ang mga suspek ay kasalukuyang nagtatago sa bayan ng Aurora dala ang nakulimbat na malaking halaga. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest