Aircon bus sinunog ng mga rebelde
October 29, 2001 | 12:00am
PRIETO DIAZ, Sorsogon Dahil sa hindi pagbibigay ng revolutionary tax sa grupo ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ay napilitang sunugin ang isang pampasaherong aircon bus ng Philtranco habang nakaparada ang sasakyan sa Brgy. Quidolog sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Hindi na nakuhang manlaban pa ni Amador Domosina, 52, driver ng bus na may plakang EVK-186 dahil sa tinutukan siya ng baril habang binubuhusan naman ng gasolina at silaban ang naturang aircon bus.
Nabatid sa ulat ni Brgy. Chairman Francisco Donor, naganap ang pangyayari dakong alas-11:30 ng umaga habang nililinisan ng driver ang aircon bus at bago pa sunugin ang sasakyan ay kinuha muna ng mga rebelde ang telebisyon set at stereo unit.
Mapag-alaman pa na isa sa mga rebeldeng NPA ay nakilalang si Arman Vidar ng Brgy. Sto. Domingo na ngayon ay tinutugis ng pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended