^

Probinsiya

P 4.6 M pera ng trader hinoldap ng mga 'pulis'

-
Tinatayang aabot sa halagang P4.6 milyon cash ang iniulat na hinoldap ng mga unipormadong pulis sa isang negosyanteng lalaki sa kahabaan ng national highway sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna noong nakaraang Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang naholdap na biktima na si Julius Galang, 46, isang government supplies dealer at residente ng South Peak Sub., Brgy. San Antonio ng naturang bayan.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-2:45 ng hapon sa harapan ng SP2000KTV .

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang nabanggit na halaga ay kawi-withdraw pa lamang mula sa MetroBank, San Pedro branch sa Brgy. Nueva at ililipat naman sa Batangas Manila Subic Bank (BMS).

Sakay umano ang biktima ng kanyang kotseng Toyota Prado land cruiser van nang harangin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihang unipormado ng pulis sakay ng Honda CVR car na walang plaka.

Mabilis na tinutukan ng mga suspek ang biktima at dahil sa takot na mabaril ay ibinigay na lamang nito ang pera.

May teorya ang pulisya na nasundan ang biktima mula sa bangko at natunugang may malaking halagang hawak. (Ulat ni Rene Alviar)

AYON

BATANGAS MANILA SUBIC BANK

BIYERNES

BRGY

JULIUS GALANG

RENE ALVIAR

SAN ANTONIO

SAN PEDRO

SOUTH PEAK SUB

TOYOTA PRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with