5 judge pinagmulta ng Korte Suprema
October 27, 2001 | 12:00am
Limang hukom ang pinagmulta kahapon ng Korte Suprema dahil sa umanoy kapalpakan ng mga ito sa kanilang tungkulin.
Sa desisyon ng Korte Suprema, si Obando Bulacan Municipal Trial Court (MTC) Presiding Judge Romeo Quilantang ay pinagmulta ng halagang P10,000 dahil sa umanoy kabagalan nito sa pagreresolba ng mga kasong kriminal na hinahawakan nito.
Sina Tubod Lanao del Norte Regional Trial Court Branch VII Judge Oscar Zerna at si Hinatuan, Surigao del Sur Judge Antonio Canon ay pinagmulta naman ng halagang P5,000 dahil sa pag-abuso ng kanilang kapangyarihan.
Gayundin si Judge Demetrio Calimag ng Santiago City Regional Trial Court ay pinagmulta naman ng halagang P2,000 dahil sa gross ignorance of the law, samantalang si Judge Eulogio Quipse ng MTC Bongabon, Nueva Ecija ay pinagbayad naman ng P1,500 dahil sa kabiguan nitong madesisyunan ang dalawang kaso sa loob ng 90-araw na reglementary period.
Sinabi ng Korte Suprema na hindi nito papayagan ang mga hukom na manatiling tamad at pabaya ang mga kawani nito partikular na ang mga hukom.
"Judge are expected to keep abreast of developments in law and jurisprudence. Judicial competence requires no less," anang Korte Suprema. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest