Drug pusher itinumba habang naglalaro ng gagamba

SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Isang notoryus na drug pusher na nasa watchlist ng San Antonio PNP station ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki na nakasuot ng bonnet habang naglalaro ng spider game sa kalsada ng Brgy. Tikiw ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa leeg ay nakilalang si Roderick Fernandez, 39, may asawa jobless ng Brgy. Poblacion.

Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Naty Villajuan dahil sa nagpulasan ang mga katabi ng biktima dakong alas-4 ng hapon nang makarinig ng sunud-sunod na putok (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments