Most wanted nakipagbarilan sa pulis, patay
October 26, 2001 | 12:00am
TAGAYTAY CITY, Cavite Isang killer na nakatala bilang ika-19 sa dalawampung most wanted person sa region 4 ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa isinagawang operasyon ng Cavite PNP sa Brgy. Guinhawa, South Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang napatay na most wanted na si Ruel Nuestro Ferma, 36, may asawa, walang trabaho ng nabanggit na lugar.
Si Ferma ay may nakabinbing kaso ng pagpatay sa sala ni Judge Eleoterio Guerrero ng Tagaytay City Regional Trial Court Branch 16.
Nasugatan naman sa isinagawang operasyon sina PO1 Bernardo Camposanto ng Tagay City police station at civilian agents na si Allan Benuza ng Cavite PPO na tinamaan ng bala ng baril sa kamay at braso.
Nabatid sa pagsisiyasat ni SPO2 Leonardo Mojica, naganap ang pangyayari bandang alas-2:30 ng hapon habang isinisilbi ng mga awtoridad ang arrest warrant kay Ferma habang ito ay nakikipag-inuman ng alak sa mga kapitbahay.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, imbes na sumuko ay mabilis na nagbunot ng baril si Ferma at sunud-sunod na nagpaputok sa grupo ng arresting officers na ikinasugat nina Camposanto at Benuza.
Subalit nagpulasan ang kainuman ni Ferma dahil sa gumanti naman ng putok ang grupo ng pulisya na ikinasawi nito. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended