Indian national todas sa ambus
October 26, 2001 | 12:00am
Isang negosyanteng Indian national na tumangging magpautang ang iniulat na binaril at napatay ng kanyang kliyente habang nangongolekta ng pautang sa Brgy. Road, Sitio Urdas, San Vicente, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon.
Idineklarang patay sa Vigan Cooperative Hospital ang biktima na si Anrik Singm, alyas Michael ng Vigan City.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilala lamang sa alyas Boy na pinaniniwalaang isa sa mga kliyente ng biktima sa pautang.
Ayon saulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas-4 ng hapon habang ang biktima ay nangongolekta ng pautang sa mga kliyente sa nabanggit na lugar.
Hindi namalayan ng biktima na ang suspek na may dalang armalite ay nasa likuran at minamatyagan siya.
May teorya ang pulisya na tumangging pautangin ng biktima ang suspek na naging dahilan upang mapatay ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended