Chief of police na dumalo sa misa,todas sa ambush
October 24, 2001 | 12:00am
Hindi sukat akalain ng isang chief of police na ito na ang huli niyang pagdalo sa misa at pagdadasal matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan habang papalabas sa loob ng isang kapilya sa Zamboanga Sibuguey kamakalawa.
Dead-on-the-spot matapos matadtad ng mga tama ng bala sa likod ng ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Police Inspector Abdul Ilang Sariol, chief of police ng Mabuhay Municipal Police Station sa nasabing lalawigan.
Batay sa sketchy report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pananambang dakong alas-6:20 ng gabi nitong nakaraang araw ng Linggo sa Sitio Baliling, Bgy. Poblacion bayan ng Talusay matapos umatend ng misa ang biktima sa isang maliit na kapilya.
Kasalukuyang naglalabasan na ang lahat ng deboto kasama ang nag-iisang biktima ay mabilis umano itong niratrat ng mga naka-abang na grupo ng mga armadong kalalakihan.
Bago maganap ang pananambang, sinabi ng mga saksi na ilang minuto nang naghihintay sa labasan ng kapilya ang hindi materminang bilang ng mga suspek ngunit hindi umano sila naghinala dahil sa disenteng pigura ng mga ito.
Dahil sa pagbaril sa police official ay nagkagulo umano ang lahat ng mga naka-saksing deboto habang sinamantala naman ng mga suspek ang pagkakataon upang makatakas sakay ng kani-kanilang motorsiklo patahak sa direksyon ng Bgy. Olutanga bayan ng Mabuhay.
Isinasa-ilalim pa sa masusing imbestigasyon ang nasabing kaso upang mabatid ang motibo ng mga salarin sa pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest