Binata na iniwan ng syota, nagbigti
October 23, 2001 | 12:00am
SILANG , Cavite Dahil sa hindi natanggap na iniwan ng syota na nagtungo sa ibang bansa ay nagpasyang magbigti at namatay ang isang 25-anyos na binata sa loob ng bahay sa Brgy. Biga 1 ng bayang ito kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Allan Velasco, isang loan collector ng hindi nabatid na kompanya at residente ng naturang barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, natagpuan ng mga kasambahay ang bangkay ng biktima dakong ala-6:30 ng gabi na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
BULAN, Sorsogon Tinatayang aabot sa 600 sakong smuggled rice mula sa Vietnam ang nasabat ng mga tauhan ng 509th Police Provincial Mobile group (PPMG) matapos na tangkaing ipuslit papalabas ng Pier Site Zone 2 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Nabatid sa ulat ng pulisya, ang mga ipupuslit na sako ng bigas ay lulan ng isang track (UEF-991) na minamaneho ni Eduardo Lara ng Tabaco, Albay nang masabat ng mga awtoridad.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga taong kasabwat sa tangkang pagpupuslit ng imported na bigas. (Ulat ni Ed Casulla)
SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan Idineklarang patay sa ospital ang isang 16-anyos na lalaki matapos na tamaan ng sharpnel mula sa sumabog na pillbox na inihagis ng tatlong kabataang lalaki habang naglalakad sa kahabaan ng Brgy. Muzon, Sapang Palay ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Uplak ng naturang lugar.
Samantala, isa sa tatlong suspek ay nakilalang si John Sobrepena na ngayon ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar upang hindi madiskarel ang isinasagawang operasyon.
Nabatid sa ulat ng pulisya, napagtripan ng mga suspek na lango sa droga na hagisan ng pillbox ang biktima sa nabanggit na lugar dakong alas-10 ng gabi. (Ulat ni Efren Acantara)
IBA, Zambales Gulpi-sarado ang inabot ng isang 17-anyos na estudyanteng lalaki mula sa isang miyembro ng pulisya dahil sa napagkamalang nagnakaw ang biktima sa isang tindahan na pag-aari ng Brgy. kagawad sa San Felipe ng nabanggit na lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adner de Guzman ng Brgy. Amagna ng naturang lugar.
Samantala, ang pangalan ng pulis na pansamantalang hindi ibinunyag ay may ranggong PO1 ng San Felipe PNP Station.
Napag-alaman sa salaysay ni Gina de Guzman, ina ng biktima na dinakip ang kanyang anak dakong alas-9 ng umaga makaraang mapagbintangang nagnakaw sa tindahang pag-aari ng isang Brgy. kagawad. (Ulat ni Erickson Lovino)
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Allan Velasco, isang loan collector ng hindi nabatid na kompanya at residente ng naturang barangay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, natagpuan ng mga kasambahay ang bangkay ng biktima dakong ala-6:30 ng gabi na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Nabatid sa ulat ng pulisya, ang mga ipupuslit na sako ng bigas ay lulan ng isang track (UEF-991) na minamaneho ni Eduardo Lara ng Tabaco, Albay nang masabat ng mga awtoridad.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga taong kasabwat sa tangkang pagpupuslit ng imported na bigas. (Ulat ni Ed Casulla)
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Uplak ng naturang lugar.
Samantala, isa sa tatlong suspek ay nakilalang si John Sobrepena na ngayon ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar upang hindi madiskarel ang isinasagawang operasyon.
Nabatid sa ulat ng pulisya, napagtripan ng mga suspek na lango sa droga na hagisan ng pillbox ang biktima sa nabanggit na lugar dakong alas-10 ng gabi. (Ulat ni Efren Acantara)
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adner de Guzman ng Brgy. Amagna ng naturang lugar.
Samantala, ang pangalan ng pulis na pansamantalang hindi ibinunyag ay may ranggong PO1 ng San Felipe PNP Station.
Napag-alaman sa salaysay ni Gina de Guzman, ina ng biktima na dinakip ang kanyang anak dakong alas-9 ng umaga makaraang mapagbintangang nagnakaw sa tindahang pag-aari ng isang Brgy. kagawad. (Ulat ni Erickson Lovino)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended