Pulis, 3 pa tiklo sa agaw-cellphone
October 23, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Apat na kalalakihan na pawang miyembro ng kilabot na cellphone gang kabilang na ang isang tauhan ng PNP-Special Action Force unit na tumatayong lider ng grupo ang iniulat na nadakip ng mga operatiba ng Alaminos PNP sa isinagawang follow-up operation sa Sto. Tomas, Batangas kamakalawa.
Kinilala ni PRO 4 Regional Director P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr. ang mga nadakip na suspek na sina PO1 Saturnino Balba, 31, aktibong miyembro ng PNP-Special Action Force sa Camp Bagong Diwa, Taguig, kapatid na si Alvin Balba, 28; Edmar Mangubat, 26 at Frederick Marudo, 21, pamangkin umano ni San Pedro PNP Chief P/Supt. Alfredo Marudo na pawang residente ng Tanauan, Batangas.
Nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek dahil sa reklamo ng mga magulang nina Roger Donato, 45 at Dondon Malababa, 13, estudyante na kapwa residente ng Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga biktimang sina Donato at Malababa ay kasalukuyang nasa San Pablo Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan dahil sa pagtangging ibigay ang kanilang mga cellphone sa nabanggit na grupo. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest