Arrest order sa mga killer ng ex-mayor pinigil ng CA
October 22, 2001 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Isang resolusyon ang ipinalabas ng Court of Appeal (Special 2nd Division) na nag-aatas sa lahat ng law enforcement agencies na pansamantalang pagpigil sa pagdakip kay dating San Ildefonso Mayor Enrique Viudez II at sa lima pang suspek na isinasangkot sa pagkakapatay kay ex-mayor Honorato Galvez at sa escort nitong si Rodolfo Mangahas noong gabi ng Hunyo 9, 2000.
Ang pagpigil sa arrest order sa mga suspek sa pagpatay kina Galvez at Mangahas ay pinigil ng Court of Appeals makaraang magsumite ng motion for reconsideration ang mga abogado ni Viudez na nagsasaad na muling repasuhin at suriin ang isinampang kaso laban sa kanila.
Si Judge Basilio Gabo, Jr. ng Regional Trial Court Branch 11ng bayang ito ang nag-isyu ng arrest order sa mga suspek matapos na sampahan ng kasong murder ng pulisya subalit pinigil ng Court of Appeals upang magsagawa ng panibagong imbestigasyon para sa ikalilinaw ng mga tunay na pangyayari. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended