Pulis natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan
October 20, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Isang opisyal ng Drug Enforcement Units (DEU) ang iniulat na natagpuang naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaygay Road, Barangay Lumil, Silang, Cavite, kahapon.
Kinilala ni SPO2 Eduardo Eusebio, may hawak ng kaso ang biktima na si SPO1 Robert Lorino Rusit Jr., 43, may-asawa at nakatira sa Barangay San Antonio, Noveleta, Cavite.
Si Rusit Jr., ay natagpuang patay sa kanyang owner type jeep na kulay berde at may plakang DMH 767 na may tama ng bala sa kaliwang dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan sa tabi ng upuan ng driver.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:10 ng umaga, nang matagpuan si Rusit Jr. sa naturang sasakyang ng mga tauhan ni Barangay Chairman Leon De Guzman sa nasabing lugar.
Sa ulat ni Eusebio, binaril ang biktima nang malapitan sa kanyang sasakyan at may palatandaan na hindi nito nakuha pang lumaban sa suspek.
Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na kilala ng biktima ang suspek at posibleng kasama niya ito sa sasakyan.
Kasalukuyan namang inaalam ng mga pulis ang pangalan ng driver na kasama ng biktima na posibleng sangkot sa krimen.
Hinihinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagpatay sa biktima. (Ulat nina Ed Amoroso at Cristina Go-Tambang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
22 hours ago
Recommended