Kasabay nito, tinukoy ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva na pinagsanib na grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) lost command at bandidong Abu Sayyaf ang responsable sa pagdukot kay Fr. Giuseppi Piarantoni.
Ayon pa kay Villanueva, ang nasabing grupo ng MILF lost command ay mula sa Pentagon Group na pinamumunuan ni Commander Tahir Alonto na nasangkot sa pagdukot sa anim na Chinese engineers sa Cotabato at Maguindanao nitong buwan ng Hunyo at Agosto.
Bukod dito, isa pang grupo ng MILF lost command na nakipagsabwatan sa pagdukot kay Fr. Piarantoni ay si Akto Daing, anak ng isang MILF lost command Commander Sumagayan sa Lanao del Sur na sangkot naman sa pagkidnap at pagpatay na dayuhang pari na si Fr. Rufus Halley, isang Irish sa Malabang, Lanao del Sur noong nakalipas na Agosto 28 ng taong ito.
Sa kasalukuyan, masusing sinusuyod ng mga operatiba ng Philippine Army at Philippine Marines ang Malabang, Lanao del Sur at Cotabato area matapos na dito mamataang nagtungo ang mga kidnappers tangay ang bihag.
Nabatid pa na ang Task Force Diosef ay isinailalim sa superbisyon nina Armys 1st Infantry Division (ID) Chief, Brig. Gen. Glicerio Sua at Armys 4th ID Chief, Brig. Gen. Alfonso Dagudag. (Ulat ni Joy Cantos)