Mga aircraft at sundalo ng Amerika lalapag sa bansa

Limang C-130 aircraft, anim na F-18 suspersonic planes na may lulang 160 sundalo ng United States ang nakatakdang lumapag sa dati nitong base militar sa bansa.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesman Col. Lino Horacio Lapinid, anumang oras simula kahapon ay inaasahan na nila ang pagdating sa bansa ng mga sasakyang panghihimpapawid ng Estados Unidos na may lulang 160 Amerikanong sundalo na pawang wala umanong dalang mga armas.

The planes and US troops which will come from Kadena, Japan will arrive in the country anytime today (yesterday) to refuel", pahayag ni Lapinid.

Ayon pa rito, "The F-18 planes, in particular are all unarmed that’s why they were given the go signal to come to the country," anang Air Force Spokesman.

Gayunpaman, nilinaw ni Lapinid na hanggang magdamag umano na mananatili ang mga US soldiers sa Clark Air Base.

Iginiit pa ng opisyal na aprubado ng Palasyo ng Malacañang ang paggamit ng Amerika sa anumang pasilidad ng bansa basta’t walang anumang tangan na armas ang mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments