^

Probinsiya

2 kawani ng korte inaresto sa extortion

-
BATANGAS CITY – Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang empleyado ng isang Regional Trial Court sa Batangas makaraan ang isinagawang entrapment operation kahapon ng hapon.

Kinilala ni NBI Region 4 Director Edward Villarta ang dalawang empleyado na sina Moreno Magtibay at Bienvenido Precilla pawang residente ng Tanauan, Batangas at mga empleyado ni Judge Voltaire Rosales ng RTC Branch 83 ng Tanauan, Batangas.

Ayon sa ulat, si Magtibay ang process server ng korte samantalang si Precilla ay driver-bodyguard ni Judge Rosales na itinalaga ng Bureau of Jail Management and Penology.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente ng NBI base sa reklamo ni Ma. Victoria Hidalgo kahapon sa loob mismo ng RTC Br. 83 compound.

Ayon kay Hidalgo, hinihingian umano siya nina Magtibay at Precilla ng P1,000-P3,000 sa bawat release order na kanyang kukunin para sa mga nagpiyansang akusado.

Dagdag pa ni Hidalgo, umabot sa 15 hanggang 20 akusado ang kanyang kinukunan ng release order sa mga suspek kada buwan, ngunit lumalabas na wala ng natitirang kita para sa kanya.

Nakumpiska sa mga suspect ang isang kalibre .45 baril at P2,000 marked money na ginamit ng mga ahente ng NBI. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS

BIENVENIDO PRECILLA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DIRECTOR EDWARD VILLARTA

JUDGE ROSALES

JUDGE VOLTAIRE ROSALES

MAGTIBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with