Pekeng P500 bill nagkalat sa 4 lalawigan

IBA, Zambales – May posibilidad na nagkalat na umano ang pekeng P500 sa iba’t-ibang bayan sa Zambales, Bataan, Olongapo at Pangasinan makaraang mabiktima ang ilang may -ari ng tindahan sa pampublikong palengke sa nabanggit na lalawigan.

Dalawa sa nabiktima ng sindikato na nagpapakalat ng pekeng P500 ay nakilalang sina Analyn Bustahir, 22 ng Brgy. Palanginan at Domeng Reyes na kapwa nagmamay-ari ng sari-sari store sa naturang lugar.

Kasalukuyang minomonitor ng pulisya ang ilang grupo ng sindikato upang maaktuhan ang pinanggagalingan ng mga pekeng P500. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments