Estudyante napatay sa fraternity rambol
October 16, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Isa na namang miyembro ng fraternity ang nagbuwis ng buhay dahil sa kanilang samahan matapos na halos mawasak ang dibdib sa tinamong tama ng bala ng sumpak sa isang rambol kamakalawa ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Frederick Almasan, 16, high school student ng Therese St., Purok 1 Zone 6, Brgy. Cupang ng lungsod na ito.
Samantala, ang mga suspek na ngayon ay nasa Antipolo detention cell ay nakilalang sina Jeffrey Estrellas, 16, ng Hermas Subdivision; Roger Belosillo, 19, ng Area Dela Paz, Peñafrancia at Neptali Carios, ng Sitio Taguire at dalawang hindi pa nakikilalang suspek na pawang residente ng Brgy. Cupang, Antipolo.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may Crestview Subdivision, Brgy. Mayamot, ng lungsod na ito. Nabatid na nakatambay ang grupo ng mga suspek na tinatawag nilang Homeboys Fraternity nang dumating ang kalabang grupo na kinabibilangan ni Almasan.
Dito nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang grupo hanggang sa magkaroon ng batuhan sa pagitan nila. Isa sa mga suspek ang may dalang sumpak ang bumaril sa biktima na duguang bumagsak matapos itong tamaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended