^

Probinsiya

Mag-asawa minasaker ng kaanak

-
Brutal na pinaslang matapos pagbabarilin at pagsasaksakin ang isang magsasaka at asawa nito ng di pa nakilalang salarin na pinaniniwalaang isa nitong naghiganting kamag-anak dahil sa alitan sa pera sa naganap na masaker sa Barangay Mutia, Zamboanga del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Sixto Mona, 60 at asawa nitong si Yolanda, 51, pawang mga residente ng Barangay Dilan, Mutia, Zamboanga del Norte.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, nakilala ang suspek na si Remy Mona, residente din ng nasabing lugar at isang malapit na kaanak ni Sixto. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang ginawang pagpaslang sa mag-asawa at ngayo’y pinaghahanap ng mga awtoridad.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naganap ang krimen dakong ala-1 ng madaling araw habang natutulog ang mag-asawa sa kanilang kuwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid ng mga awtoridad na away sa pamilya at paghihiganti ang motibo ng pagpaslang sa mag-asawa at kasalukuyang inaalam pa kung totoo ang mga balitang dahil sa pera kung kaya pinatay ng suspek ang kanyang mga kaanak. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY DILAN

BARANGAY MUTIA

BATAY

CAMP AGUINALDO

JOY CANTOS

KINILALA

NORTE

REMY MONA

SIXTO MONA

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with