1 patay, anak ng mayor ligtas sa ambush
October 13, 2001 | 12:00am
Namatay ang isang lalaki habang masuwerte namang nakaligtas ang anak ng isang alkalde matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan habang bumabagtas sakay ng motorsiklo sa Apokon Road, Tagum City, Davao del Norte, kamakalawa.
Dead on the spot ang biktimang si Eduardo Lemsen matapos na matadtad ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan habang nakaligtas naman si Bobby Gementiza, anak ni Tagum City Mayor Gelacio Gementiza.
Si Bobby ay nakaligtas matapos na tumalon ito sa motorsiklo ng mapansin nitong pinupuntirya sila ng pamamaril ng mga suspek na nakaposisyon sa tagiliran ng masukal na bahagi ng highway.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-10:40 ng umaga ay binabagtas ng motorsiklong kinalululanan ng mga biktima ang nasabing lugar ng bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga suspek.
Agad na nasapul ng tama ng punglo si Eduardo na tumilapon sa minamaneho nitong motorsiklo habang nakatakbo naman ang batang Gementiza.
May hinala ang mga imbestigador na ang anak ng alkalde ang talagang target ng mga suspek bunga ng matinding pagtutol ng matandang Gementiza na magbayad ng revolutionary tax sa kilusan ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am