3 NPA rebel patay sa bakbakan
October 13, 2001 | 12:00am
Tatlong aktibong kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) na pawang mga revolutionary tax collectors kabilang na ang isang amasona ang napaslang makaraang makasagupa ang tropa ng sundalo sa isang liblib na bulubunduking lugar sa bayan ng Salcedo, Ilocos Sur, kamakalawa.
Ang napatay na amasona ay nakilalang si Glory Bangtuan alyas Ka Glory habang hindi pa nabatid ang mga pangalan ng dalawang kasama nito na nagtamo ng maraming tama ng bala sa mga sensitibong bahagi ng katawan.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sumiklab ang madugong sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng Bravo Company ng 50th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army at ng mga rebelde bandang alas-5 ng hapon noong Huwebes habang nagpapatrulya ang tropa ng pamahalaan sa may bisinidad ng Barangay Baybayading sa bayan ng Salcedo.
Nabatid na agad na nagpakawala ng punglo ang mga rebelde laban sa papalapit na puwersa ng pamahalaan na nagresulta sa mainitang bakbakan na tumagal ng isang oras. Nang matunugan naman ng mga rebelde na may paparating na reinforcement troops ay mabilis ang mga itong nagsiatras at inabandona ang bangkay ng tatlo nilang napaslang na kasamahan.
Ayon sa ulat ng militar, kabilang ang mga nasabing rebelde sa isang guerilla unit na naatasang mangolekta ng revolutionary tax at protection money. Napaulat rin na ang mga nasawing rebelde ay responsable sa serye ng harassment attacks laban sa mga sibilyan sa bayan ng Salcedo.
Aminado naman ang militar na higit pang pinalawig ng komunistang grupo ang kanilang extortion activities sa ibat ibang bahagi ng bansa. Bukod pa dito, pinag-ibayo na rin ng mga NPA field commands ang kanilang recruitment activities sa rehiyon ng Bicol at ilan pang bahaging Central Luzon na masusing tinututukan ng mga operatiba ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended