Obrero pinugutan ng kabaro

DASMARIÑAS, Cavite – Isang 40-anyos na obrero ang iniulat na natagpuang patay sa creek makaraang sunduin at pugutan ng ka-trabaho sa construction site ang biktima sa Brgy. Zone 3 ng bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Tony Almosara, may asawa ng Sitio Maligaya, Brgy. Habay 2, Bacoor, Cavite.

Samantala, ang suspek na sumundo sa biktima ay nakilalang si Maning Romano ng Brgy. Zone 3 ng naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Edgar Belza, may hawak ng kaso na sinundo lamang ng suspek ang biktima sa construction site sa Brgy. Salitran dakong alas-11 ng gabi subalit hindi na ito nakabalik at natagpuan ang bangkay sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments