Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Neptali Ipapo, 32, ng Brgy. Saog, Marilao; Antonio Bulacan, 46, ng Salvador St., Real Estate, Parañaque City; Roberto Adelante ng Bagong Pag-asa, Pilar village, Las Piñas City at Analyn de Leon, 4-anyos.
Samantala ang malubhang nasugatan naman ay nakilalang si Edgar Mendoza, 19.
Sa isinumiteng ulat kay Bulacan PNP Provicnial Director P/Sr. Supt. Edgar Acuña, unang namatay si Ipapo makaraang sumalpok ang minamanehong tricycle (RK-9587) sa isang trak sa kahabaan ng McArthur highway sa Brgy. Abangan Norte bandang alas-2:30 ng madaling araw.
Sumunod namang aksidente ang naganap dakong alas 4:50 ng hapon sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan makaraang sumalpok ang motorsiklong (RS-6593) sinasakyan nina Bulacan at Adelante sa isaang L-300 van sa kahabaan ng Cagayan Valley road.
Iniulat naman ng pulisya na nabundol ng van (WFW-868) si de Leon makaraang mapabayaang tumawid ng ina sa kahabaan ng Brgy. San Pascual, Hagonoy, Bulacan dakong ala-1:30 ng hapon. (Ulat ni Efren Alcantara)