4 patay sa magkahiwalay na mishap
October 11, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Apat katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan sa naganap na magkakahiwalay na aksidente sa Brgy. Abangan Norte at Sta. Rita, Guiguinto, at San Pascual, Hagonoy, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Neptali Ipapo, 32, ng Brgy. Saog, Marilao; Antonio Bulacan, 46, ng Salvador St., Real Estate, Parañaque City; Roberto Adelante ng Bagong Pag-asa, Pilar village, Las Piñas City at Analyn de Leon, 4-anyos.
Samantala ang malubhang nasugatan naman ay nakilalang si Edgar Mendoza, 19.
Sa isinumiteng ulat kay Bulacan PNP Provicnial Director P/Sr. Supt. Edgar Acuña, unang namatay si Ipapo makaraang sumalpok ang minamanehong tricycle (RK-9587) sa isang trak sa kahabaan ng McArthur highway sa Brgy. Abangan Norte bandang alas-2:30 ng madaling araw.
Sumunod namang aksidente ang naganap dakong alas 4:50 ng hapon sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan makaraang sumalpok ang motorsiklong (RS-6593) sinasakyan nina Bulacan at Adelante sa isaang L-300 van sa kahabaan ng Cagayan Valley road.
Iniulat naman ng pulisya na nabundol ng van (WFW-868) si de Leon makaraang mapabayaang tumawid ng ina sa kahabaan ng Brgy. San Pascual, Hagonoy, Bulacan dakong ala-1:30 ng hapon. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest