^

Probinsiya

3 NPA napatay sa engkuwentro

-
BAGUIO CITY – Tatlong NPA rebels ang napatay ng tropa ng militar, kabilang ang isang amasona sa naganap na sagupaan sa isang liblib na barangay sa bayan ng Salcedo, Ilocos Sur kahapon.

Si Glory Bangtuan aka Glory, kasapi ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) ng Sonang Gerilya 2 na nakabase sa Southern Ilocos Sur ay nasugatan ngunit namatay din ito bandang alas-9 ng umaga sa Ilocos Sur Regional Hospital sa bayan ng Tagudin.

Dalawa pang rebeldeng NPAs na hindi pa matiyak ang mga pangalan ang napatay sa engkuwentro. Samantalang nasugatan naman ang isang Corporal Vinluan.

Nasamsam mula sa mga napatay na rebelde ang isang M16 Armalite assault rifle at isang 9 mm pistol.

Ayon kay Col. Ricardo Nobleza, commanding officer ng 503rd Infantry Battalion ng Philipine Army na nakabase sa bayan ng Tayum, Abra, nasagupa ng mga elemento ng 50th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Raymundo Ramones ang di matiyak na bilang ng rebelde sa Barangay Baybayading, bayan ng Salcedo, Ilocos Sur dakong alas-4:30 ng kahapon.

Isa pang bakbakan ang naganap dakong alas-8 ng gabi ngunit walang napaulat na namatay mula sa magkabilang grupo. (Ulat ni Artemio Dumlao)

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY BAYBAYADING

CORPORAL VINLUAN

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR REGIONAL HOSPITAL

INFANTRY BATTALION

PHILIPINE ARMY

RAYMUNDO RAMONES

RICARDO NOBLEZA

SALCEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with