Misteryosong virus nanalasa sa 187 brgy. sa La Union
October 11, 2001 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY Naapektuhan ng bagong misteryosong virus ang cattle industry sa may 187 barangays sa lalawigan ng La Union kamakailan.
Sinabi ni Dr. Renato De Leon, provincial veterinarian na umaabot na sa 758 na kaso ng virus ang naapektuhan kabilang na ang apat na kalabaw na namatay habang lima pa ang kasalukuyang iniulat na naapektuhan ng naturang sakit.
Hindi naman kinumpirma ni De Leon na ang virus ay may kaugnayan sa kumalat na anthrax bacteria kamakalawa sa US at may ilang buwan din naapektuhan ang American meat industry.
"Kinakailangan makakuha ng meat at blood samples mula sa mga apektadong hayop upang maipasuri sa laboratoryo kung may kaugnayan nga ang mga ito sa nabanggit na bacteria", ani De Leon.
Nagpakalat na rin ng anti-biotics ang pamunuan ng Bureau of Animal Industry sa mga apektadong Brgy. upang masugpo ang pagkalat ng virus sa mga alagang hayop.
May palagay si De Leon na may iba pang kaso ng virus outbreak sa mga barangay na hindi pa naiuulat sa kanilang tanggapan.
Ayon sa ulat ng City Agricultural Office (CAO), may 40 baka na apektado na ng virus sa San Fernando City. (Ulat ni Vic Alhambra,Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest