Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jessie Dagoro, 18, binata ng Calipahan, Talavera, Nueva Ecija, samantala, sumuko naman ang kasamahan ng biktima na nakilalang si Rofante Olicia, 22 ng Sta. Rosa, Laguna.
Napag-alaman sa pagsisiyasat ni SPO2 Marcelino Uy, may hawak ng kaso, naganap ang aksidente bandang alas-7:15 ng umaga makaraang makatulog sa ilalim ng trak ang biktima dahil sa pagod.
Dahil sa pag-aakalang iniwan ng biktima ang trak sa pintuan ng warehouse ng Cosmos Bottling Company ay pinaandar niya ito papasok kaya nagulungan ang natutulog na si Dagoro. (Ulat ni Tony Sandoval)