Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Jose Mabanta, ang naturang bungo ng nasabing pinaslang na hostage ay natagpuan kahapon ng umaga ng tropa ng 32nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa pamumuno ni Col. Labrador habang sinusuyod ang nasabing lugar. Bunga rin ng pagkakatagpo sa bungo ni Sobero ay kumpleto na ang pinaghiwalay na labi ng dayuhang bihag.
Nauna nang iniulat na natagpuan ang kalansay ni Sobero nitong nakalipas na biyernes bandang 1:30 ng hapon may 500 metro ang layo sa timog kanluran ng basilan Peak ng mga operatiba ng Task Force Comet sa pamumuno ni Msgt. Mallorca.
Ang naturang kalansay ay nakasuot pa ng t-shirt na "blue stripe color" gayundin ng isang pares ng rubber sandal at nylon cord na nakatali sa mga kamay ng bikima. (Ulat ni Joy Cantos)