Birthday celebrant, 1 pa nalunod sa beach
October 9, 2001 | 12:00am
DAET, Camarines Norte - Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang kinuha ni kamatayan ang dalawang estudyanteng lalaki na ang isa rito ay birthday celebrant at anak ng regional director ng Bureau of Mines and Geo-Sciences sa Legaspi City makaraang lumangoy at malunod sa Bagasbas beach ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang mga magka-klaseng biktima na sina Arnold Nasayao, 15, tubong Camalig, Albay at Francis Juan, 16 ng Vinzons, Camarines Norte na anak ng opisyal ng nabanggit na ahensya ng gobyerno.
Ang mga biktima ay idineklarang patay bandang alas-9:45 ng umaga sa Camarines Norte Provincial Hospital at kapwa graduating students sa Phil. Science High School, Goa, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nagdiwang ng ika-16 na kaarawan si Juan kasama ang may 20 kaklase sa nabanggit na beach.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, nagyaya umano si Juan sa pitong kaklase na mag-jogging sa baybaying dagat.
Pagsapit ng alas-5:30 ng madaling araw ay nagpasyang tawirin sa pamamagitan ng paglangoy ang boundary ng Bagasbas at Mercedes subalit sa lakas ng alon ay biglang nawala ang dalawa.
Kaagad na humingi ng saklolo, ang mga natirang kaklase ng biktima subalit lumutang ang bangkay ng mga biktima makaraan ang ilang oras. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended