6 patay sa magkahiwalay na karahasan
October 9, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga - Anim katao ang iniulat na nasawi habang tatlo pang iba ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Pampanga at Olongapo City noong Linggo.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Marites Pineda, dalawa nitong anak na sina Edmar at Liza ng Brgy. Dila-Dila, Sta. Rita, Pampanga; Joser Militante, 33; kapatid na si Ronillo, 43 ng Brgy. Balic-Balic, Sta. Rita at Ricaredo Flores, 43 ng Tapinac.
Samantala, ang mga grabeng nasugatan naman ay nakilalang sina Josua Militante, 32; Carmelita Furton, 53; at Robert Zuin, 31 ng Bajac, Bajac.
Base sa ulat ng pulisya, ang pamilya Pineda ay pinasok ng isang alyas Fernandez sa loob ng kanilang bahay habang ang mga biktima ay natutulog.
Dahil sa lango sa droga ang suspek ay nagawa nitong pagtatagain hanggang sa mapatay ang mga biktima at bago tumakas ay ninakawan pa ang pamilya Pineda.
Kasunod nito, pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ang tatlong biktima ng isang miyembro ng Olongapo PNP na si PO1 Arturo Cendena.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nag-ugat ang pamamaril ni Cendena sa mga biktima dahil naaktuhan niyang sinasaksak ang kanyang ina ng pamilya Militante kaya kaagad siyang nagresponde subalit inagaw ang baril nito ni Josua at binaril si Flores.
Mabilis namang nagtungo si Cendena sa bahay at kinuha ang M-16 armalite at pinaputukan ang mga biktima. (Ulat ni Ric Sapnu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended