Lima sa dalawamput-dalawang katao na nadakip ay kumpirmadong nagpapakalat ng droga sa lungsod ng Baguio, ayon sa ulat ni P/Sr. Supt. Pedro Tango kay DILG Sec. Joey Lina.
Kinilala ng pulisya ang limang drug pushers na sina Paul Black, Daniel Atos, Gerardo Saclao na nadakip sa drug bust sa 122 Bonifacio St., Baguio City at ang mag-asawang Ramon at Mely Quiñones na nadakip naman sa 139 Queen of Peace St., Naguillan road.
Nakumpiska sa mga ito ang aabot sa 15 gramo na shabu at 919 gramo na pinatuyong dahon ng marijuana at isang kalibre .22 baril.
Ang mga nadakip namang gambling personnels sa Brgy. Poblacion Quirino ay kinilalang sina Lando Reyes, Erwin Aldeja, Arsenio Garcia, Jeffrey Onin, Ben Ignacio, Renato Balon, Federico Naval, Ester Bundol at Yolly Taganas.
Samantala sa Brgy. Del Remedio, San Pablo City, Laguna, kinilala ang mga nadakip na gambling personnels na sina Armando Pansol, Jay Bambani, Harris Musca, Richard Gonzales, Angelbert Sanchez, Julius Banayo, Joey Reyes at Albert Dizon. (Ulat ni Jhay Mejias)