^

Probinsiya

Kagawad na uwawat sa away napatay

-
DASMARIÑAS, Cavite — Isang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang barangay kagawad, makaraan itong barilin nang dahil lamang sa ginawang pag-awat ng biktima sa naganap na away sa Brgy. Victoria Reyes, bayang ito.

Ang biktimang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ay nakilalang si Joemarie Panabe, 32, may asawa, residente sa Blk. 59 Lot 12 Purok 4 sa nasabing lugar.

Samantala, ang suspek na agad na tumakas matapos ang isinagawang krimen ay nakilalang si Alvin Cantimbuhan, apo ni vice mayor Ciano Cantimbuhan sa nasabing bayan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang nakarating sa kamalayan ng biktima na may nagaganap na gulo sa kanilang lugar.

Agad itong rumesponde at naabutan nito na nagsusuntukan ang kapatid ng suspek na si Jerry Cantimbuhan at isa pang hindi kilalang lalaki. Agad na umawat ang biktima na siyang dating naman ng suspek na may dalang baril at inakala nitong pinagtutulungan ng biktima at isa pang lalaki ang kapatid nito kaya agad niyang binaril si Panabe.

Isang bala ang tumagos sa dibdib ni Panabe na agad nitong ikinamatay habang mabilis na tumakas ang suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALVIN CANTIMBUHAN

BRGY

CAVITE

CIANO CANTIMBUHAN

CRISTINA GO-TIMBANG

ISANG

JERRY CANTIMBUHAN

JOEMARIE PANABE

PANABE

VICTORIA REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with