6 na drug pushers sinalvage ng vigilante group
October 5, 2001 | 12:00am
GAPAN CITY Pinaniniwalaang mga biktima ng summary execution ang anim na naaagnas nang bangkay na natagpuan kamakalawa sa isang liblib at madamong lugar sa San Miguel, Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Kinilala ni P/Supt. Antonio Tanchoco, hepe ng Gapan City police, ang mga biktima na sina Michael Nuera, Florentino Pablo, Gerardo Pablo, Geronimo Andres, Dindo Fernando at Manolo, pawang mga residente ng Barangay Sto. Niño ng lungsod na ito.
Nabatid kay Gapan City Deputy Police Chief Insp. Ernesto delos Santos na ang mga biktima ay pinaghihinalaang mga drug pushers sa Gapan na itinumba umano ng gumagalang vigilante group sa lungsod.
Ayon sa mga saksi, ang mga biktima ay puwersahang dinukot sa kanilang bahay at isinakay sa isang van ng mga hindi kilalang kalalakihan na naka-bonnet noong Lunes ng gabi sa Sitio Maisan, Sto. Niño, Gapan City.
Iba naman ang paniniwala ng ilang residente rito at sinabing maaaring mga pulis din ang may gawa sa dumaraming bilang ng patayan sa lungsod. "Maaaring nagsuot ng bonnet ang pulis at pumatay ng mga hinihinalang pusher," ayon pa sa isang residente rito.
Sa ngayon ay umaabot sa 31 katao ang napapatay ng mga vigilante group sa lungsod, base sa rekord na naitala ng Nueva Ecija Provincial Police simula noong Agosto 31, 2001.(Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am