222 preso magha-hunger strike
October 4, 2001 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon "Kami ay dating demonyo na gustong tumino, pero kung ang ipapalit na warden ay demonyo, hindi kami titino," ito ang ngitngit na pahayag ng mga inmates sa Talipan District Jail at nagbanta na magsasagawa ng hunger strike bilang protesta sa pagtatalaga ng bagong jail warden epektibo kahapon sa bayang ito.
Ayon sa mga inmates na lumagda sa isang petisyon na umaabot sa 222, na ang pagtatalagang muli kay Chief Inspector Simpliciano Valdepena na incoming jail warden ay muli silang daranas ng pagmamaltrato katulad ng pagpapakain ng madumi at hindi wasto sa budget; pakikialam sa pamamalakad ng bilangguan ng asawa nito at nagpapatakbo ng tindahan sa loob ng jail kaya ipinagbabawal ang pagdadala ng groceries ng mga dalaw; hindi makatuwirang pananakit ng mga jailguard na tauhan ni Valdepena; pakikipagkutsabahan sa mga tumatakas na bilanggo katulad ng naganap noong 1996.
Ipinaggigiitan ng mga inmates na magsasagawa sila ng hunger strike upang ipakita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iparating sa tanggapan ni DILG Sec. Joey Lina ang disgusto nila kay Valdepena, sapagkat nasubukan na nila ito ng maging jail warden ito noong mga nakalipas na taon.
Papalitan ni Valdepena si Chief Inspector Manuel Laviste simula bukas at ng kunin ng mediamen ang panig ni Valdepena ay inuna pa nito ang pagpapraktis sa shooting range at ikinatuwiran na kumuha muna ng clearance mula sa regional office ng BJMP bago siya kausapin. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest