2 binata pinatay ng adik

NAGA CITY – Dalawang kabataang lalaki ang iniulat na napagtripang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng isang hindi kilalang lalaki na lango sa droga kahapon ng madaling araw habang ang mga biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Peñafrancia Avenue sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na sina Neil Reyes, 21 at Ferdinand Nero, 22, pawang mga binata at residente ng Zone 5 Quenate, Tabuco ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong ala-1:20 ng madaling araw ng biglang sumulpot ang suspek mula sa madilim na lugar at sa hindi nabatid na dahilan ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments